ABOUT

Pitik sa Pluma : Sa bawat PITIK ng kamera ay may nabubuong larawan na siyang nagbibigay buhay sa PLUMA upang makapagsulat. Ito’y mga elemento ng malayang pamamahayag para sa isang progresibong pagbabago patungkol sa mga usaping panlipunan. Ang pagtungkab sa mga maling ideyalismo na siyang bumubulag sa malinis na adhikain ng sambayanan ay maaaring magwakas sa pamamagitan ng puwersa ng tinta o pluma.

Sa isang nosyon ng pagpapahayag ng malayang saloobin, pananaw at prinsipyo sa isang napapanahong usapin ay hindi maaaring isantabi na lamang lalo na’t ito’y nangangailangan ng paglilinaw buhat sa mga litratista, peryodista at manunulat na nagsisilbing mata, taenga at bibig ng isang demokratikong soberanya.

Binuo ang pitak na ito sa layong paunlarin, palaganapin at itaguyod ang malayang pamamahayag ng mga kabataang peryodista, brodkaster, mamamahayag , litratista at manunulat saanmang dako sila naroroon. Tumatanggap ng mungkahi at puna ang awtor upang higit na mapahusay ang nilalaman at anyo nito.

Protektado ang karapatang-ari sa lahat ng mga orihinal na akdang nakapaloob sa pitak na ito. Kinakailangan ang pahintulot ng awtor bago ito gamitin sa ibang mga publikasyon.

Email: reytamayo_2005@yahoo.com

Other Blogsite: http://tungkab.wordpress.com/

Vhings NUJP

Si Rey Manlapaz Tamayo, Jr. , ay baguhang manunulat, litratista, peryodista, kuwentista, at dokumentarista. Sa South Eastern College niya sinubukang kumuha ng kursong Bachelor of Arts at sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman ng kursong Malikhaing Pagsulat . Ang ilan sa kanyang mga akda ay nailathala sa Liwayway, Tinig, ANI Journal (CCP), Philippine Graphic at sa iba’t ibang antolohiya (Unang Sulyap, Ipuipo sa Piging, Kathang-Isip, Wagi-Sawi).

Siya ay miyembro ng Kamakataan Poets, KM64, Photoville International, National Union of Journalist of the Philippines (NUJP), Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL), Samahan ng mga Kabataang Peryodista (SangKaP) at naging fellow ng LIRA Workshop noong 2006. Sa kasalukuyan ay abala rin sa potograpiya, paggawa ng mga short film, at dokumentaryo.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Calendar

    • December 2016
      M T W T F S S
      « Oct    
       1234
      567891011
      12131415161718
      19202122232425
      262728293031  
  • Search