Metamorposis ng mga Istorya

Rey Tamayo, Jr.

Kamakailan ay napabilang ang aming pinakabagong aklat – ang antolohiyang “Wagi/Sawi: Mga Kuwentong Luwalhati at Pighati” sa 37th Manila International Book Fair (MIBF) na ginanap sa SMX Convention Center sa Pasay City (September 14-18, 2016) na inilathala ng University of the Philippines Press.

Ang nasabing book fair ay nilahukan ng iba’t ibang mga publisher at distributor tulad ng Ateneo University Press, University of Santo Tomas Publishing House, University of the Philippines Press, Abiva Publishing House, Adarna House Inc, Anvil Publishing Inc, Vibal Publishing Company, Bookmark Inc, PSICOM Publishing Inc, Precious Pages Corp.,at iba pa na inorganisa ng National Book Development Board.

Isa sa pangunahing tema ng MIBF ay maipabatid sa publiko lalo na sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagsulong ng pagbasa maging ang importansiya ng panitikang Filipino.

Ang antolohiyang “Wagi/Sawi: Mga Kuwentong Luwalhati at Pighati” ay binubuo ng mga kontemporaryong kuwentista na kinabibilangan nina Carlo Pacolor Garcia, Chuckberry J. Pascual, U Z. Eliserio , Maki Lim, Mar Anthony Simon dela Cruz, Maricristh T. Magaling, Tilde Acuna, Rachel Valencerina Marra, Soliman A. Santos, Marlon Lester, Vlad Gonzales, Shur C. Mangilaya, John Barrios, Rey Tamayo Jr., Nonon Villaluz Carandang, Christian Tablazon, Jayson V. Fajardo, Bernadette Neri, Isaac Tapar, Mark Angeles, Nino Calalang, German Gervacio, Emmanuel T. Barrameda.

Ang aming kolektibong mga akda ay pinamatnugutan ng dalawang premyado at batikang manunulat na sina Rolando Tolentino at Rommel Rodriguez, kapwa mga propesor ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.

Tila napapanahon ang mga nasabing akda upang magkaroon ng batayang paralelismo upang patuloy na makibaka sa hamon ng kapalaran lalo na’t ang buhay ng bawat indibidwal ay nahahati sa dalawang magkaibang dimensiyon – ang kasawian at tagumpay.

Ang mga elemento ng Sawi at Wagi ay patuloy sa pag-usad, paggalaw at nababago sa paglipas ng panahon at tila pumipintig gaya ng cursor sa mala kultural at sosyal na ebolusyunismo.

Nais kong sipiin ang ilang bahagi ng paunang salita ng antolohiya buhat sa aking mga editor:

“Sa sobrang tayog, agad lalagpak, matapos pumailanglang sa kalawakan, malulunod sa malalim na kawalan, natagpuan ang sarili subalit biglang maliligaw, matutupad ang pangarap na agad mahahatak ng pagkabigo: ganito binubuo at hinahati ang ating pagkatao. Muling nangahas ang mga kontemporaryong kuwentistang Filipino. Winner o loser, walang in-between sa mga kuwento.

Ginagalugad ang samu’t saring loob at labas ng ating uri, kasarian, sexualidad, henerasyon, relihiyon, etnisidad, lahi, pagkamamamayan at pagkabansa . Narito ang mga kuwentong bumibitaw upang maging matatag ang ating paninindigan, naghihinagpis upang makilala ang tagumpay, nalulungkot upang mangarap. Namayani man ang dalawang polaridad ng ating indibidwal at kolektibong danas, sa huli matatagpuan natin ang ating mga sarili na nilalampasan ang mga luwalhati at pighati ng ating panahon.”

Sa aking personal na akda na pinamagatang “Arlene” – nakasentro ang istorya sa magkababatang sina James at Arlene na kapuwa lumaki sa isang rural na baryo.

May kaya sa buhay ang pamilya ni James kaya’t naging posible sa kaniya na makapag-aral ng maayos mula elementarya hanggang kolehiyo hanggang sa nakapagtapos siya sa kaniyang piniling kurso – ang abogasya.

Samantala, maagang naulila sa mga magulang si Arlene at ang tanging naging kasama sa buhay ay ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Alona, na sa kalauna’y nag udyok sa kanya na pasukin ang prostitusyon dahil sa kahirapan sa buhay. Naging mesirable ang buhay ni Arlene hanggang sa mapatay nito ang isang politiko na nagtangkang gahasain siya.

Sa paglipas ng panahon, muling nagtagpo ang kanilang landas sa court room kung saan ipinagtatanggol ni James bilang abogado ang kaniyang kababatang si Arlene na naging biktima ng pagkakataon.

Iginuhit ng kanilang magkaibang kapalaran (Wagi/Sawi) ang ideyalismo ng mapagpatuloy sa laban ng buhay. May iba’t ibang elemento ng kubling-malay na nagaganap sa ating buhay; ang mga kahirapan, problema at pagsubok ngunit hindi natin dapat malimutan na sa kabila ng masalimuot na pangyayayari nananatili ang isang aspeto sa ating mga tao – may pag-asa!

Hindi natin dapat kalimutan na may nalalabing pag-asa sa bawat indibidwal sa atin, sa tulong at awa ng nasa Itaas.

Para sa Literatura at Panitikang Pilipino… Kudos, mga kapatid sa panulat.

Tumatanggap ng puna at mungkahi ang awtor upang higit pang mapahusay ang anyo at nilalaman nito. Maaaring mag email sa reytamayo_2005@yahoo.com / CP: 0925- 735-5567

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s