Musika at Kawanggawa ni Kuya Daniel Razon

Rey Tamayo, Jr.

Hindi man kasing engrande tulad ng tradisyunal na konsiyerto na kung saan hinahakot ng mga prodyuser ang mga bigating artista sa pinilakang tabing at mga sikat na mang-aawit sa industriya ng musika, isang natatanging konsiyerto ang nasaksihan ng publiko na ang pangunahing layunin ay tulungan ang mga kababayan nating kapus-palad at mga mahihirap nating mga kababayan.

Katangi tangi ang ipinamalas na abilidad at konsepto ng tinaguriang Mr. Public Service na si Kuya Daniel Razon sa kaniyang di matatawarang konsiyerto na ginanap kamakailan (Nobyembre 28, 2011) sa Smart- Araneta Coliseum.

Pagkakawanggawa ang punto de vista ng nasabing konsiyerto.

Bukod sa mga kabataang mag-aaral na makababahagi ng libreng edukasyon at sa mga kababayahan nating may mga karamdaman na maaaring malunasan ng libreng medikasyon; binigyan din ng importansiya ni Kuya Daniel ang mga kababayan nating may kapansanan na makapagtanghal sa entablado upang kahit papaano’y makamit ang matagal nang minimithi na munting pangarap.

Ang tila madilim na pangarap na matagal nang inaaninag sa malayo ay nagkaroon ng bahagyang liwanag.

Ang tila mailap na kapalaran na hinahadlangan pa ng tanikala ay bahagyang nahawakan.

Ang bawat titik, letra, tinig, musika at pagkakataon ang naging puhunan upang iparating, ipaabot, at ipakita sa publiko na ang mga katulad nilang may kapansanan ay bahagi rin ng lipunan.

Lipunan na mag-aabot ng kamay upang ibangon ang mga ibinagsak ng kahirapan at inilugmok ng kawalang pag-asa.

Hindi kayang sukatin ng bawat himig na narinig na nagdulot ng kaligayahan sa mga nakasaksi. Sa mga tulad nilang bulag ang paningin, sapat na ang palakpak upang ipakita na mahalaga sila sa lipunan. Sapat na rin ang standing ovation sa mga tulad nilang lumpo upang makasama sila sa paghakbang ng isang malayang soberanya.

Marahil hindi titingkad ang kulay ng lipunan kung wala ang istorya ng ating mga kababayan na minsan isang panahon ay kinalimutan ng gobyerno. At ito ang pilit na ipinapaalala ni Kuya Daniel na sila’y may malaking papel sa istorya ng ating bayan.

Sari-saring istorya, kung minsa’y masalimuot, kung minsa’y mahirap unawain. Ngunit sa gabing iyon ng konsiyerto muling binasag ni Kuya ang kaisipang indibidwalismo.

Hindi lamang ang isang indibidwal ang gagawa ng daang kaniyang tatahakin o kaya’y magsusulat ng istorya ng kaniyang buhay, dahil may kolektibong sangkap ang bawat istorya.

May mga magulang na pumapatnubay, may mga kaibigang mahihingan ng tulong, may mga kakilalang nagmamalasakit at higit sa lahat, may Dios na mahihingan ng tulong. At ang lahat ng ito’y ang siyang papanday ng istorya ng ating buhay.

(Photo by: Jonathan Tribiana)

Mang Jhonny Susi, isa sa mga special guest ni Kuya Daniel sa kaniyang konsiyerto (Photo by: Gaye Fritz Albert Ofilas)

Ginang Marivic Chengo, isa sa mga special guest ni Kuya Daniel sa kaniyang konsiyerto ( Photo by: Rey Tamayo, Jr.)

Ang mga special guest ni Kuya Daniel sa kaniyang konsiyerto (Photo by: Jonathan Corpuz Tribiana)

2 Comments

  1. Kakataba ng puso … Nabigyan sila ng pagkakataon … More blog,

    Bro. Rey …


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s