Realismo sa Lente

Rey Tamayo, Jr.

Minsan iniiwasang kong humawak ng kamera
at silipin ang makipot na guwang ng lente.
May kung anong takot ang nagbabanta
sa pagsipat ng mga obrang larawan.

Kung sa bawat pitik ay may bahid ng dugo–
Parang ayaw kong pitikin ang gatilyo nito.

Minsan mahirap ipaliwanag ang mapaniil na larawan;
Na uukit sa ilahas ng realismo.
May mga gabing mailap ang bahagyang idlip,
Dahil gumuguhit ang talim ng mga imahe.

Kung sa bawat pitik ay may tilamsik ng pangamba—
Parang nais ko pang depokado ang larawan.

Minsan mahirap kumuha ng emosyon—
Masalimuot ang paghanap ng anggulo,
At madalas buhay ang kapalit ng komposisyon.

Ngunit ito ang daigdig ng litratista-
Patuloy sa pagpiglas upang makita ang liwanag.
Liwanag na magpapalaya sa nakakulong na idealismo.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s