Nang diligin ng dugo ang kamera


Rey Tamayo, Jr.

Sa bawat pagsilip sa lente ng kamera’y,
Inaaninaw nito ang pangitain-
Na animo’y wawasak ng pangarap.

Mistulang winisikan ng dugo
Ang lipunang binalot ng takot,
Mula sa mabangis at mapaniil-
Na mga buwayang nasa lansangan.

Saan man mapasuling
Ay laging may banta ng panganib.
Sa bawat hinuhulmang larawan,
Inuukit nito sa isipang balisa–

Na may iba’t ibang emosyon,
Anggulo, at komposisyon.

Hinuhubaran ng bawat pikit
ang nalalabing saplot ng kubling malay,
Upang ilantad ang realismo ng mga obra.

Habang unti-unting pinapako
Ang mga imahen sa Golgota,
Upang papanagutin
Sa huwad na kasalanan.
At piliting lumuhod
Sa mga makikintab na aso sa palasyo,
Na umuungol sa dilim
At tumatahol sa Hades.

Depokado ang larawan
Dahil naaalog ang lipunan.
Madilim ang larawan
Dahil kaunti ang liwanag ng batas.
Walang mabuong larawan
Dahil may dugo ang lente ng litratista.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s