Kuya Daniel Razon, Simbolo ng Tunay na Serbisyo Publiko (Ikalawang Bagting)

Rey Tamayo, Jr.

Tulong muna, Bago Balita – ito ang bago at pangunahing adbokasiya ni Kuya Daniel Razon na isa lamang sa kaniyang maraming proyekto sa larangan ng industriya ng pagbabalita sa bansa.

Matatandaang kamakailan lamang ay opisyal na inilunsad sa publiko ang nasabing proyekto kung saan kasabay ng pagsalubong ng pagpapalit ng taon ay pinatunayan ng buong puwersa ng UNTV 37 sa pakikipagtulungan na rin ng iba’t ibang organisasyon at ahensya ng pamahalaaan ay matagumpay na naisakatuparan ang nasabing proyekto. Na tulungan muna ang mga naging biktima ng insidente bago kumuha ng ibang detalye upang ibalita.

Ang natatanging sistemakitong proyektong ito ng UNTV ang nagbukas ng bagong mukha sa mundo ng pamamahayag. Bagay na isinasaisantabi ang ideyang indibidwalismo sa pagbabalita. Hindi na baleng hindi makakuha ng esklusibong report, matulungan lamang ang mga biktima nito.

Ang tradisyunal at nakakahong ideyalismo sa larangan ng pamamahayag ay tahasang binasag at winakasan ng UNTV sa pangunguna ni Kuya Daniel.

Ang panibagong pagsasalarawan ng paghahatid ng makabuluhang balita ay hindi lamang nililimitahan sa pagkuha ng detalye, anggulo, impormasyon at kritisismo ng isang pangunahing pangyayari. Saklaw nito ang ekstensyon ng pagkakawanggawa at pagtulong sa kapwa tao hindi lamang sa mga kapus-palad kundi maging sa ating mga kababayang naipit sa gitna ng sakuna, aksidente sa lansangan at mga biktima ng iba’t ibang krimen.

Tunay na hindi matatawaran ang ginagawa ng pamunuan ng UNTV katuwang ang grupong Ang Dating Daan sa pangunguna ni Bro. Eli Soriano. Magugunitang ang grupong Ang Dating Daan ang siyang pangunahing religious organization sa Pilipinas na nagsasagawa ng libreng serbisyo publiko hindi lamang sa mga miyembro nito kundi maging sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong.

Ilan lamang sa mga proyektong inilunsad na magkatuwang sina Bro. Eli at Kuya Daniel ay ang pagtatayo ng mga transient home sa Quezon City at Pampanga, ang nationwide na libreng sakay sa jeep, bus at lantsa; libreng edukasyon mula elementarya hanggang kolehiyo sa La Verdad Christian School and College na may dalawa ng sangay; sa Caloocan City at Apalit, Pampanga. Ang araw-araw na libreng medical mission sa buong bansa, mga libreng konsultasyon sa mga abogado na may suliraning legal at ang pinakahuli ay nang ilunsad ng Department of Education at katulong muli ang UNTV sa kauna-unahang mobile school sa bansa na tinawag na Dunong Gulong kung saan makikinabang partikular na ang mga out-of-school youth sa bansa. Ang dalawang mobile school ay iikot sa iba’t ibang mga lalawigan sa bansa upang maihatid ang libreng edukasyon na iniaalok ng DepEd.

Ang aksyon na ito ni Kuya Daniel ay isang kongkretong manipestasyon na ang pagtulong sa kapwa tao ay marapat lamang na samantalahin hangga’t mayroong pagkakataon na makatulong sa nangangailangan.

Dedikasyon at sinsero sa paggawa ng mabuti ang ilan sa mga panguhaning elemento ng tunay na pagkakawanggawa. At ang mga elementong ito ay taglay ni Kuya Daniel.

Hindi lamang sa pangangalap ng balita nagtatapos ang tungkulin ng mga mamamahayag sa publiko kundi hanggang sa pakikisangkot mismo ng bawat indibidwal.

Pinatunayan na ng mahabang panahon at karanasan na si Kuya Daniel Razon ang simbolo ng tunay na serbisyo publiko sa bansa.

Photo by: Kenji Hasegawa

6 Comments

  1. Tapos di daw nagpo-promote ng “general welfare” ang mga programa ni Kuya Daniel?! Mga taong walang magawang mabuti nga naman oo… Ayaw nang gumawa ng mabuti, pipigilan pa yung mga gustong makagawa nito! Kaawa-awa kayo. Di bale, inyo na ang lahat ng rounds dito… Sabi nga ni Kuya Daniel, magkikita-kita din tayo sa “Finals”… Tingnan natin kung hanggang saan kayo dadalhin ng “kapangyarihan” at “impluwensya” nyo…🙂

    • walang kagaya ng samahang ito ang ginagawa ,sa apangunguna ni kuya adaniel razon,at brother eli soriano.thanks be to GOD

  2. very much ok

  3. ok

  4. […] Tulong muna, Bago Balita – ito ang bago at pangunahing adbokasiya ni Kuya Daniel Razon na isa lamang sa kaniyang maraming proyekto sa larangan ng industriya ng pagbabalita sa bansa.  Read more […]

  5. ano po sakop ng permit to caree para sa mga taong nagdadala ng baril tnx po.


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s