RP at US, Pinaigting ang kampanya sa anti-sea piracy

Rey Tamayo, Jr.

01.terorism

Courtesy of: Magandang Balita Newspaper

Matapos ang halos isang linggong official visit ng Philippine delegates sa pangunguna ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa White House upang personal na makipagpulong kay US President Barack Obama; pormal nang nilagdaan ang Memorandum of Understanding (MoU) sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos hinggil sa mas pinaigting na kampanya upang labanan ang pamimirata sa karagatan.

Ang nasabing MoU na may temang “Cooperation in Maritime Counter-Piracy, Training and Education” ay nilagdaan nina Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo bilang kinatawan ng Pilipinas at ni American Transportation and Communications Secretary Ray La Hood sa isang simpleng seremonya sa Willard Intercontinental Hotel sa Washington DC.

Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde malaki umano ang maitutulong ng nasabing kasunduan sa ating bansa lalo na’t isa ang bansang Pilipinas sa itinuturing na biggest seafaring nations sa mundo. Bukod dito, mataas din ang bilang ng mga Filipinong nagiging biktima ng international piracy lalong lalo na sa Gulf of Aden na pinamumugaran ng mga Somali pirates kung kaya’t napapanahon ang nasabing counter piracy program ng ating bansa at ng Estados Unidos.

“And the signing of this MoU between the Philippines and the United States is hoped to send the message to the international pirates that the US is solidly backing the Philippine seafarers in this case,” ani Remonde.

Dagdag pa ng opisyal, nakapaloob din sa nasabing MoU ang pagkakaroon ng training at  education program sa mga Filipinong seamen. Tatalakayin sa mga nasabing programa ang  kaalaman kung papaano idedepensa ang sarili sa panahon ng sakuna at ang mga alternatibong maaaring gawin kung sakaling lusubin ang kanilang barko ng mga pirata.

Isa rin sa layunin ng MoU ay upang itaguyod ang kooperasyon ng dalawang bansa sa pagkakaroon ng sapat na kasanayan at kaalaman para sa mga maritime personnel at tutukan ang counter-piracy training.

Makakatuwang ng United States Merchant Marine Academy ang Maritime Personnel Training Institutions of the Philippines upang maisakatuparan ang nasabing Memorandum of Understanding laban sa anti-sea piracy.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s