Kuya Daniel Razon, Simbolo ng tunay na serbisyo publiko

IMG_8815x

Rey Tamayo, Jr.

Marami sa ating mga kababayan ang nanghihinayang sa dahilang hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakakaupo bilang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si ginoong Daniel Razon na pangunahing nominado ng Batas partylist. Hindi maikakailang siya’y inihalal at iniluklok ng taumbayan upang paglingkuran sana ang publiko sa pamamagitan ng ating gobyerno.

Magugunitang mahigit isang taon na ang nakalilipas ng inilabas ng Commission on Election (Comelec) ang desisyon kaugnay sa nakabinbing usapin sa Batas Partylist (Bagong Alyansang Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan) hinggil sa reklamo ng isang nagngangalang Nathan Macute, isang rehistradong botante ng Sitio Roque, Alabang, Muntinlupa City.

Ayon sa alegasyon ni Macute, ekstensyon umano ng grupong Ang Dating Daan na pinangangasiwaan ni Bro. Eli Soriano ang nasabing partylist bagay na kinundena ng pamunuan ng ADD.

Kinuwestiyon din noon ni Commissioner Rene Sarmiento ang desisyon ng mayorya at ang dalawampu’t dalawang pahinang resolusyon na inilabas ng Comelec na siyang dahilang upang hindi makaupo sa puwesto si Razon bilang halal ng kongresista. Matatandaang nakakuha ang Batas partylist ng 385,810 na boto o 2.42 percent sa kabuuhang boto noong May 14, 2007 election na nagtatadhana ng isang kinatawan ang nasabing partido sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon sa Comelec Commissioner, walang matibay na batayan na magpapatunay na ang Batas Partylist ay ekstensyon nga ng grupong Ang Dating Daan. Bagama’t si ginoong Daniel Razon ay isa sa mga nominado ng Batas partylist at opisyal ng ADD.

Bagama’t hindi pa makakaupo bilang kongresista si Razon, sinabi nitong tuloy ang kaniyang isinasagawang kawanggawa at tunay na serbisyo publiko sa ating mga kababayan kahit wala siya sa Kamara.

Matatandaang makaraang ilunsad ni Razon ang halos magkasabay at kauna-unahang “Libreng Sakay sa MRT sa mga senior citizen at Libreng Sakay sa bus” sa kahabaan ng EDSA ay pinasinayanan kamakailan ang isa na namang proyekto na tiyak ang publiko ang makikinabang, ang Transient home.

Ang kauna-unahang libreng Transient home sa Pilipinas na matatagpuan sa Philam, sa lungsod ng Quezon ay bukas sa publiko lalo na sa ating mga kababayang hikahos sa buhay.

Ang nasabing proyekto ay naglalayong kumalinga sa ating mga kapwa tao na walang matutuluyan sa dis oras ng gabi sa Kamaynilaan at may libre pang pagkain sa sinumang manunuluyan dito.

Ang mga proyektong isinasagawa ng tinaguriang “Mr. Public Service” ay higit pa sa ginagawa ng ilang mga kongresista na bumubutas lamang ng upuan sa Kamara o di kaya’y hindi mo man lamang makita sa regular na sesyon ng Kongreso at abala sa kanilang pagpapayaman.

Ngunit patuloy pa ring umaasa ang publiko na naniniwala sa kaniyang kakayahan at magagawa na mapaglingkuran ang ating mga kababayan na walang hinihintay na anumang kapalit.

Kung sakaling hindi na makakaupo si Razon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso hanggang sa matapos ang kanilang termino sa taong 2010, marahil mas nababagay sa kaniya na maupo sa Senado.

Sa dahilang si Razon ang simbolo ng tunay na serbisyo publiko dito sa ating bansa.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s